GENERAL EMILIO AGUINALDO NATIONAL HIGH SCHOOL
SCHOOL ID : 301190
Taong 2005, nahati rin sa dalawang midyum ang pahayagan (school paper) ng paaralan, Ingles at Filipino na dati ay Ingles lamang ang namamahala nito, “ANG BAYANI” na naglalaman ng Ingles at kaunting Filipino na mga artikulo. Isinilang ang “THE PATRIOT” na solong pinamahalaan ng Kagawaran ng Ingles at ang “Ang Bayani” ay sa Kagawaran ng Filipino napunta.
Sa kabilang banda, ang Teachers Employees Club ay naging masigasig din sa pagsasaayos ng arko at entablado ng paaralan taong 2006 hanggang sa kasalukuyan. Gayundin ang pagpapanatili ng kagandahan ng paaralan katulong ang CAT Officer na pinamumunuan ni G. Pampilo Cerbito Jr., pangulo. Mula sa kanilang paghahanap ng mga gawain, programa at iba pang aktibidades para sa kapakanan ng mga mag-aaral at mga guro at iba pang kawani ng paaralan
Kaugnay nito, napagdarausan na rin ng iba’t ibang gawain ang paaralan tulad ng pagtatapos ng ibang paaralang pangkolehiyo, mga salu-salo at ibang pang programa ng iba’t ibang samahan tulad ng Rotary Club, camping ng mga Boys Scout sa buong Cavite na nakilahok ang lahat ng kapitan ng bawat barangay sa Imus na kung saan nakapagbigay- daan sa pagkakaloob ng Pagpapailaw sa Paaralan partikular ang Covered Court.
​ Bilang kabahagi ng umuunlad na tahanan ng mga Emilians, nakikiisa rin ang General Parent Teachers Association upang matiyak ang kaligtasan ng kani-kanilang anak. Sila ang nagpagawa ng bakod sa paligid ng paaralan. Sa ngayon, isa sa mga proyekto kanilang isinusulong ay ang pagkakaroon ng path walk na magsisilbing silungan ng mga mag-aaral at guro sa pagpapalipat-lipat sa mga silid-aralan. Rolando B. Talon Jr., Head Teacher III ng TLE na nagpapagaan naman sa gawain ng mga guro. Kung saan, naipakilala rin sa harap ng kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si G. Jesli Lapus sa Munisipyo ng Imus, na pinag-aaralan na upang maipagamit sa mga guro mula sa lalawigan ng Cavite maging sa buong kapuluan ng bansa.
Taong 2007, sa bisa ng R.A. 9003, nahirang din ang paaralan bilang Pilot School sa Ecological Waste Minimization bilang pagpapahalaga sa kalikasan upang maipasok sa isipan at gawain ng mga mag-aaral ang paghihiwa-hiwalay ng mga basura at pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng paaralan. Isang proyektong inilunsad ng pamunuan ng Pamahalaang Bayan ng Imus sa pangunguna ni Kgg. Emmanuel “Manny” L. Maliksi.
Kasabay ng taong ito, isinilang ang Annex ng paaralan na tinayo sa Brgy. Pasong Buaya dahil patuloy na dumarami ang bilang ng mga mag-aaral at hindi na sila kayang tanggapin lahat sa GEANHS-Main. Sa pagpapasimula ng dating Punong Bayan na si Kgg. Homer Saquilayan na ipinagpatuloy na ni Kgg. Manny L. Maliksi, kasalukuyang Punong Bayan. Tulad ng GEANHS-Main, nagsimula rin ito sa kaunting bilang ang mga mag-aaral ay binubuo lamang ng 246 sa patnubay ng anim na guro. Si G. Jose E. Samson.HT VI ng English ang naatasang maging Officer-in-Charge dito.
​ Pagdating naman sa mga pasilidad at pag-unlad na pisikal, natugunan na rin ang mga kakulangan sa pangangailangan ng silid-aralan, ang dating dadalawang gusali ngayon ay 11 na at madadagdagan pang dalawa upang sumapat at matugunan ang layon ng Kagawaran ng Edukasyon50-50 ratio na bilang ng mga mag-aaral sa bawat silid-aralan. Pinaganda na rin ang dating simpleng tanggapan ng Punong Guro ng paaralan. Upang higit pang makuha ang interes ng mga mag-aaral, isinaayos din ang mga palikuran, kantina, silid-aklatan at computer laboratory. Sa kabilang banda, ang bawat asignatura ay nagkaroon na rin ng kani-kaniyang maayos na fakulti.
Sa 19 taong nakalipas, kapuna-puna na malaki na ang ipinagbago ng General Emilio Aguinaldo National HighSchool (GEANHS), mula sa bilang ng mga gurong tagapagpalaganap ng kaalaman, mga pasilidad at maging ng bilang ng mga mag-aaral, patunay lamang na maunlad na ang paaralang tinayo bilang tugon sa nakitang pangangailangan ng mga batang Caviteño partikular sa bayan ng Imus at iba pang karatig na bayan nito. Ang naipagkaloob na mapagtatayuan ay ang lupaing matalahib na kinatitirikan at dating pinagdadausan ng Paskuhan sa Imus-Ang Perya tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre.(Mula sa angkan ng mga Remulla) Sa pamamagitan ng Resolution Blg. 395s. 1996 ay pinagtibay ang pagkakatatag ng General Emilio Aguinaldo National HighSchool sa Palico IV, Imus, Cavite sa pangunguna ng dating Mayor na si Erineo “Ayong” Maliksi na ngayon ay Gobernador na.
Mahabang landasin na rin ang tinahak ng paaralan mula nang buksan ito taong 1996 na may bilang na 156 na mga mag-aaral, kaagapay ang tatlong guro sa katauhan nina Gng. Cayetana Gelbolingo, Gng. Crisanta F. Caudal at Bb. Marites R. Peñaredonda sa mga haligi ng dalawang gusali lamang umikot ang pagtuturo’t pagkatuto-ang New Building at Main Building.
Idagdag pa rito ang mga di hindi matatawarang ambag ng mga taong nagging punong kinatawan ng GEANHS na sina Gng. Carmelita F. Bautista, Gng. Paulita B. Zafra at sa kasalukuyan ay si G. Rolando P. Dilidili na nagsimula lamang bilang Officer-in-Charge taong 2001 hanggang sa naging Punong Guro IV sa taong 2008-2010. Sa kanyang panunukulan nagsimulang mamayagpag ang pangalan ng paaralan. Aktibong nakikilahok ang mga Emilians sa iba’t ibang patimpalak, pang-unit, pandibisyon, panrelihiyon at
Kaalinsabay ng paglago ng mga guro, kawani lalo ng mga mag-aaral ng paaralan taun-taon mula taong 1996,156 na mag-aaral naging 512 taong 1997, 1,453 taong 1998, 2,399 taong 1999, 2,722 taong 2000, 2,925 taong 2001, 3,745 taong 2002, 4,068 taong 2004, 5,894 taong 2005, 6,961 taong 2006, 7,208 taong 2008 at 7,511 taong 2009-2010. kinakailangan na rin na magkaroon ng maayos na serbisyo para sa kanila kaya’t nadagdagan ang mga kawani na maglilingkod at magsasaayos ng mga files pati na rin ang paraan ng pagpapasahod sa mga guro tulad ng isang book keeper, cashier/accounting staff, clerk atpb.. ganoon din ang pagkakaloob ng sariling pondo ng paaralan mula sa DBM taong 2009 (nai-release).
Isa pa sa dagdag na atraksyon sa paaralan ang mga hardin na pinagyayaman ng bawat kagawaran kaugnay ng isinusulong na programa ng Imus na Oplan Pagtatanim at ang Bantayog ni Aguinaldo na kamakailan lamang pinasinayaan at dinaluhan ng mga kilalang tao sa bayan ng Cavite tulad nina Gov. Ayong Maliksi at iba pang kamag-anak ng bayani ng lahing Caviteño. Bilang pagpapahalaga at paggalang kay Hen.Emilio “Miong” Aguinaldo na nagging pangunahing atraksyon ng paaralan, nagkakahalaga ito ng humigit kumulang P800,000.00 na nagmula sa pondo ng Kapitolyo, ang nronze na monumento ni Aguinaldo na nanggaling sa bungad na bahagi ng daang Coastal.
​
Kamakailan lamang, sa larangan ng isports hindi nagpahuli ang GEANHS, bukod sa pangunguna sa ISSA at NCSU na pinangunahan ng pangulo ng ISSAA na si G. Dilidili (Over-all Chairman) katuwang ang iba pang pamunuan nito, may ilang mag-aaral din na nakarating sa STACAA.
maging nasyonal na paligsahan. Bawat kagawaran ay nag-uuwi ng karangalan para sa sintang paaralan. Patunay lamang na angat na angat ang kahusayan nito sa iba’t ibang larangan- akademiks man, larong pampalakasan o iba pang ekstra-kurikular na gawain.