.png)
GENERAL EMILIO AGUINALDO
SCHOOL ID : 301190
NATIONAL HIGH SCHOOL
.png)




Brigada Eskwela 2026 Kick-Off sa GEANHS
June 01,2026
Sinimulan ang araw sa isang masiglang Brigada Eskwela Caravan, sinundan ng ZumbaYanihan, at nagtapos sa School-Based Kick-Off Program na dinaluhan ng mga kawani ng paaralan, mga magulang, stakeholders at partners, iba't ibang organisasyon, at mga boluntaryong handang magbahagi ng kanilang oras, talento, at suporta para sa ikagaganda ng ating paaralan.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta sa diwa ng bayanihan para sa ligtas, maayos, at handang paaralan para sa ating mga mag-aaral.
Sa sama-samang pagkilos, mas mapagtitibay natin ang isang paaralang handang humubog ng kinabukasan.
Kaya ano? Tara, mag-Brigada na! Sama-sama nating pagandahin at ihanda ang GEANHS para sa School Year 2026–2027.




DAY 2 | BRIGADA ESKWELA 2026
June 02,2026
Matagumpay na naisagawa ang Day 2 ng Brigada Eskwela sa General Emilio Aguinaldo National High School (GEANHS) kung saan nagsama-sama ang mga guro, magulang, mag-aaral, alumni, at iba pang mga stakeholder upang ipagpatuloy ang paghahanda ng ating paaralan para sa pagbubukas ng taong panuruan 2026–2027.
Kasabay ng mga gawaing paglilinis, pagkukumpuni, at pagpapaganda ng paaralan, isinagawa rin ang Grade 7 Parents' Orientation para sa mga magulang ng ating mga mag-aaral. Tinalakay sa programa ang mahahalagang impormasyon tulad ng School Safety Protocols, Child Protection Policy, School Rules and Regulations, Teen Kiosk Guidelines, ARAL Reading at ARAL Mathematics Programs, at Principal's Hour, upang higit na mapalakas ang ugnayan ng paaralan at tahanan para sa tagumpay ng bawat mag-aaral.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta sa adhikain ng GEANHS para sa isang ligtas, maayos, at dekalidad na edukasyon.
Hindi pa huli ang lahat upang makibahagi, Ano? Tara na, Magbrigda sa GEANHS!
Inaanyayahan namin ang mga magulang, alumni, barangay officials, pribadong indibidwal, at iba pang stakeholders na makiisa sa mga susunod na araw ng Brigada Eskwela 2026.




GRADE 8 & GRADE 9 PARENTS' ORIENTATION CUM BRIGADAHAN 2026 | GEANHS
June 04,2026
Matagumpay na naisagawa ang Grade 8 at Grade 9 Parents' Orientation cum Brigadahan ngayong Hunyo 3, 2026 sa GEANHS Covered Court, bilang paghahanda sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026–2027.
Nagtipon-tipon ang mga magulang, guro, at mga kawani ng paaralan upang mapagtibay ang ugnayan ng tahanan at paaralan para sa ikabubuti ng ating mga mag-aaral. Tinalakay sa programa ang mahahalagang impormasyon hinggil sa mga alituntunin ng paaralan, child protection policy, health and safety protocols, ARAL Reading at Mathematics programs, at iba pang mga inisyatibong magpapalakas sa kalidad ng edukasyon sa GEANHS.
Kasabay nito, ipinamalas din ang diwa ng Bayanihan sa pamamagitan ng Brigadahan, kung saan nagkaisa ang ating mga magulang at mga stakeholder sa paghahanda ng isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Taos-puso pong nagpapasalamat ang pamunuan ng General Emilio Aguinaldo National High School sa lahat ng mga magulang, volunteers, at mga katuwang na nakiisa at naglaan ng kanilang oras at suporta. Ang inyong pakikilahok ay patunay na ang tagumpay ng edukasyon ay bunga ng sama-samang pagkilos ng buong komunidad.
Sama-sama tayong magtulungan para sa isang mas matatag at mas matagumpay na S.Y. 2026–2027! susunod na araw ng Brigada Eskwela 2026.




𝐆𝐄𝐀𝐍𝐇𝐒 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐨𝐫𝐬 𝐋𝐞𝐚𝐝, 𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧, 𝐚𝐧𝐝 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐨𝐫𝐦 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐑𝐞𝐯𝐢𝐬𝐞𝐝 𝐊–𝟏𝟎 𝐂𝐮𝐫𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐮𝐦 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠
June 04,2026
Demonstrating its commitment to quality and transformative education, General Emilio Aguinaldo National High School proudly joined the Seminar-Workshop on the Revised Grades 6, 9, and 10 Curriculum held from June 1–4, 2026 at General Emilio Aguinaldo National High School and Imus National High School.
The Division Led four-day training, organized through the collaborative efforts of the Department of Education (DepEd) and the National Educators Academy of the Philippines (NEAP), aims to strengthen teachers’ understanding of the revised K to 10 curriculum and prepare them for its effective implementation in the coming school year.
Selected GEANHS teachers took on key leadership roles as facilitators and members of the Program Management Team (PMT), guiding workshop sessions, facilitating discussions, and assisting fellow educators in unpacking the curriculum standards and instructional expectations.
Meanwhile, participating teachers from GEANHS engaged in collaborative learning activities, lesson planning workshops, and the sharing of best practices, demonstrating their commitment to delivering quality, relevant, and learner-centered education.
Through initiatives like this, GEANHS continues to uphold its dedication to professional growth and educational excellence in support of the Department of Education’s vision for transformative learning.
We train today, We transform tomorrow. Eskwela 2026.




MATAGUMPAY NA IDINAOS ANG GRADE 10 PARENTS' ORIENTATION CUM BRIGADAHAN 2026 SA GEANHS
June 05,2026
Imus City, Cavite – Hunyo 4, 2026 — Muling pinatunayan ng General Emilio Aguinaldo National High School ang kahalagahan ng pagtutulungan ng paaralan at tahanan sa matagumpay na pagsasagawa ng Grade 10 Parents' Orientation Cum Brigadahan 2026 noong Hunyo 4, 2026.
Dinaluhan ng mga magulang, guro, at mga opisyal ng paaralan ang nasabing programa na naglalayong maipabatid ang mahahalagang impormasyon at mga alituntunin para sa nalalapit na pagbubukas ng Taong Panuruan 2026–2027. Tinalakay sa oryentasyon ang mga programang pang-akademiko, mga patakaran ng paaralan, mga inaasahang gawain ng mga mag-aaral, at ang mahalagang papel ng mga magulang sa paghubog ng disiplina at tagumpay ng kanilang mga anak.
Kasabay ng oryentasyon, naging bahagi rin ang aktibidad ng patuloy na pagdiriwang ng Brigada Eskwela 2026, kung saan buong pusong nakiisa ang mga magulang sa paglilinis at paghahanda ng mga silid-aralan at iba pang pasilidad ng paaralan. Ang kanilang oras, lakas, at malasakit ay nagpakita ng tunay na diwa ng bayanihan at pagkakaisa para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Binigyang-diin ng pamunuan ng GEANHS na ang matatag na ugnayan ng paaralan at mga magulang ay isang mahalagang sangkap upang makamit ang de-kalidad na edukasyon at masiguro ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto.
Taos-pusong nagpapasalamat ang buong pamilya ng GEANHS sa lahat ng mga magulang at mga boluntaryong nakibahagi sa gawaing ito. Ang inyong walang sawang suporta at kooperasyon ay nagsisilbing inspirasyon upang higit pang mapabuti ang mga serbisyo at programa ng paaralan. 6.




𝗚𝗘𝗔𝗡𝗛𝗦 𝗔𝗰𝗵𝗶𝗲𝘃𝗲𝘀 𝟵𝟵% 𝗥𝗲𝗮𝗱𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗥𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗗𝘂𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗠𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗳𝗼𝗿 𝗢𝗽𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗖𝗹𝗮𝘀𝘀𝗲𝘀
June 09,2026
General Emilio Aguinaldo National High School warmly welcomed the Regional and Division monitoring Team today as part of the monitoring and validation activities for the Opening of Classes for School Year 2026–2027.
The monitoring was led by Mr. Jeffrie F. Ditablan, Regional Education Program Supervisor from the Quality Assurance Division, together with Schools Division of Imus City DFTACT representatives Mr. June Bence L. Adelan, Education Program Supervisor, and Mr. Medel Carlos C. Zarsuelo Jr., Education Program Specialist II.
The team was graciously received by the GEANHS personnel headed by our school principal, Dr. Gina U. Reyes, along with the department heads and guidance counselor. During the activity, the GEANHS team presented various documents and Means of Verification (MOVs) demonstrating the school’s readiness for the opening of classes. The school representatives also addressed inquiries from the monitoring team to validate the presented evidence and ensure compliance with DepEd standards.
As part of the monitoring process, the team visited several school facilities, including classrooms and faculty rooms. Mr. Ditablan also engaged with teachers to gather insights regarding their experiences during the opening block of the school year.
Beyond validation, the monitoring team provided valuable technical assistance and recommendations aimed at further enhancing the implementation of DepEd programs and initiatives in the school. They emphasized that the purpose of the monitoring activity was not only to assess but also to extend support and guidance to schools.
At the culmination of the activity, Mr. Ditablan announced GEANHS’ readiness rating, awarding the school an impressive 99% score. This outstanding result reflects the dedication, commitment, and collective efforts of the entire GEANHS community in ensuring a smooth, organized, and learner-centered opening of classes for our Batang Emilians.
Congratulations to the GEANHS family for this remarkable achievement as we continue our commitment to delivering quality education and excellent service to our learners.



