.png)
GENERAL EMILIO AGUINALDO
SCHOOL ID : 301190
NATIONAL HIGH SCHOOL
.png)




📣 #𝙈𝘼𝙔𝙆𝙐𝙎𝘼2025 | 𝙈𝙖𝙡𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙪𝙢𝙪𝙨𝙩𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙐𝙨𝙖𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙎𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣𝙜 𝘼𝙣𝙜𝙖𝙩
MAY 30, 2025
📍 ICT Hub, Gen. Emilio Aguinaldo NHS
🗓 Mayo 28, 2025 | 11:00 AM – 5:00 PM
Isinagawa ang matagumpay na 𝙈𝙖𝙡𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙪𝙢𝙪𝙨𝙩𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙐𝙨𝙖𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙎𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣𝙜 𝘼𝙣𝙜𝙖𝙩 (𝙈𝘼𝙔 𝙆𝙐𝙎𝘼) na layuning alamin ang mga kinakailangang yaman—tao, kagamitan, at pondo—ng mga pampublikong paaralan kaugnay ng pagbubukas ng klase para sa taong panuruan 2025–2026 sa pamamagitan ng isang konsultatibong pagpupulong kasama ang mga school heads.
✨ Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng opening program na idinaloy ni Marilou P. Bronzi, kasunod ang pagpresenta ng attendance na pinangunahan ni Ivan Honorpette A. Mijares, EPS/OIC SGOD.
🎤 Nagbigay ng welcome remarks si Gng. Lerma V. Peña, Principal ng GEANHS, na sinundan ng isang inspirational message mula kay G. Homer N. Mendoza, OIC-SDS. Pinangunahan din niya ang soft launching ng Schools Division Office of Imus City Branding, Mantra, at DEDP Framework bago tuluyang simulan ang pangunahin at masinsinang talakayan ukol sa MAY KUSA.
👥 Sa ikalawang bahagi ng programa, isinagawa ang breakout sessions na pinangasiwaan ng mga Division Field Technical Assistance Teammates (DFTATs) upang lalong pagtibayin ang suporta sa mga pangangailangan ng mga paaralan.
🔚 Binigyang-halaga ang pagtatapos ng programa sa pamamagitan ng pampinid na mensahe at taos-pusong pasasalamat ni Gng. Bernadette T. Luna, ASDS, sa lahat ng aktibong lumahok at tumulong sa pagsasakatuparan ng layunin ng programang ito.
🤝 Sama-sama nating itaguyod ang isang Serbisyong Angat para sa bawat batang Imuseño!




𝘾𝘼𝙍𝙀+1 𝙊𝙧𝙞𝙚𝙣𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣: 𝙏𝙖𝙜𝙪𝙢𝙥𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙂𝙀𝘼𝙉𝙃𝙎!
MAY 09, 2025
Matagumpay na naisagawa ang Parent’s Orientation on Cognitive Activities for Reading Enhancement and Numeracy (CARE+1) ngayon Mayo 9, 2025 na pinangunahan ng pamunuan ng GEANHS sa pangunguna ng aming punungguro na si Gng. Lerma V. Peña.
Ang CARE+1 ay bahagi ng DepEd CALABARZON’s focused summer initiative na layuning matugunan ang mga learning gaps sa pagbasa at matematika ng mga mag-aaral mula Baitang 4 hanggang 12, batay sa mga resulta ng Phil-IRI at grado sa iba’t ibang Key Stages.
Sa orientation, ipinaliwanag ni Gng. Elizabeth Z. Villanueva, ulongguro ng Mathematics at tagapagsalita ng programa, ang mga pangunahing layunin ng CARE+1 na tumaas ng hindi bababa sa 5% ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbabasa at numeracy, kabilang ang:
Para sa Pagbasa:
1. Kakayahang makipag-usap
2. Kaalaman sa tunog
3. Kaalaman sa letra
4. Pag-unlad ng bokabolaryo
5. Katatasan sa pagbabasa
6. Pag-unawa sa pakikinig
Para sa Numeracy:
1. Pag-unawa sa mga numero
2. Heometrikong katangian at espasyong pag-iisip
3. Mga pattern at relasyon
4. Pagsukat
5. Datos at probabilidad
Nagbigay rin ng makahulugang mensahe si Gng. Peña kung saan binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng mga magulang at pamayanan sa tagumpay ng programang ito. Sinundan ito ng open forum at pangwakas na pananalita ni Gng. Felanie J. Rodriguez, ulongguro ng Filipino.
Isang malaking pasasalamat sa lahat ng magulang na dumalo at nakibahagi. Sama-sama nating itaguyod ang kalidad ng edukasyon para sa kabataang GEANHS!