GENERAL EMILIO AGUINALDO NATIONAL HIGH SCHOOL
SCHOOL ID : 301190
𝗕𝗿𝗼𝘄𝗻𝗼𝘂𝘁 𝗻𝗼 𝗺𝗼𝗿𝗲!
November 18, 2022
𝗗𝗿𝘂𝗴 𝗔𝗯𝘂𝘀𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗛𝗜𝗩/𝗔𝗜𝗗𝗦 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗦𝗲𝗺𝗶𝗻𝗮𝗿, 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝘀𝗮 𝗚𝗘𝗔𝗡𝗛𝗦
Bilang tugon sa pangangailangang pa-unlarin ang suplay ng elektrisidad, nagkaroon ng electrical wiring upgrading sa ating paaralan noong Biyernes.
Isinagawa ng WCCC Electrical Services ang proyekto na naglalayong masugpo ang overload at masigurong maayos at ligtas ang lahat ng ating mga mag-aaral.
Matatandaang nagkaroon ng dagdag na emergency lights sa mga gusaling nakakaranas ng minsanang pagkawala ng kuryente noong isang linggo.
Patuloy ang ating pagpapa-unlad sa mga pisikal na pasilidad ng
November 16, 2022
Ginanap ang Drug Abuse Prevention and HIV/AIDS Awareness Seminar sa ating Conference Room at Online Hub ngayong araw.
Pinangunahan ni Dr. Ferdinand P. Mina, City Health Officer, ang makabuluhang talakayan ukol sa HIV/AIDS, upang higit na mapalalim ang pagkakaunawa ng mga mag aaral ukol sa sensitibong paksang ito.
Binigyang-diin naman ni Dr. Michael de Guzman, City of Imus Anti-Drug Abuse Council (CIADAC) Officer, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman patungkol sa masamang epekto ng paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
Nakilahok sa nasabing programa ang mga mag-aaral sa Baitang 8 at 10, Teen Health Kiosk (THK) and Barkada Kontra Droga (BKD) Facilitators, at ang Supreme Student Government (SSG).
𝗪𝗲 #StrikeAsOne 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗘𝗺𝗶𝗹𝗶𝗮𝗻!
November 24, 2022
Kaisa natin si Hon. Strike B. Revilla, Mayor ng City of Bacoor, sa hangaring pa-unlarin ang mga pisikal na pasilidad ng ating paaralan.
Noong Miyerkules ay nagpadala ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ng higit-kumulang sampung elf truck ng buhangin at graba, at 100 sako ng semento para sa patuloy na paggawa ng ating legacy project.
Kaakibat rin natin ang City Engineering Office ng Bacoor sa ating pagbuo ng Entablado ng Karunungan ng mga Batang Emilian.
Tunay ngang #StrikeSaSerbisyo para sa edukasyon. Maraming salamat po!
𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗖𝗮𝘃𝗶𝘁𝗲𝗻̃𝗼
November 24, 2022
Taos-pusong pasasalamat ang nais naming iparating kay Hon. Jonvic Remulla, Cavite Governor, para sa kanyang ipinamalas na malasakit para sa ating paaralan.
Sa pamamagitan ng Provincial Engineering Office, nagpadala ang ating butihing gobernador ng sampung dump trucks ng lupang panambak para sa konstruksiyon ng ating legacy project.
Salamat po sa inyong pakikipag-bayanihan upang mabuo ang Entablado ng Karunungan ng mga batang Emilian!
𝗪𝗶𝘁𝗵 𝗹𝗼𝘃𝗲, 𝗝𝗔𝗛𝗮𝗻𝗮𝗻
November 18, 2022
Ipinamalas ng mga tagahanga ni Justin De Dios ng SB19 ang pagmamalasakit at pagbabahaginan sa naganap na With love, JAHanan Gift Giving Program noong Nobyembre 18 sa ating paaralan.
Kasama ang Elevate Imus, inorganisa ng JAHanan ang aktibidad kung saan nakibahagi sa mga palaro at nakatanggap ng grocery packs ang ating mga mag-aaral.
Nagpa-abot ng pasasalamat si G. Arturo P. Rosaroso, punongguro, sa mga organisasyong nagpa-abot ng tulong sa mga batang higit na nangangailangan.
𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁-𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲, 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝘀𝗮 𝗚𝗘𝗔𝗡𝗛𝗦
November 12, 2022
Bilang pagtatapos ng unang markahan ng Taong Panuruan 2022-2023, ginanap ang Unang Parent-Teacher Conference (PTC) sa ating paaralan ngayong araw sa GEANHS Covered Court.
Pinangunahan ng Curriculum Heads ang programa na naglalayong magbigay ng mga paalala at mahahalagang impormasyon sa mga magulang. Kabahagi rin ng aktibidad ang Curriculum Chairpersons, Guidance Teachers, at ang School Parents-Teachers Association (SPTA).
Isinagawa naman ang distribution of cards at consultation sa kani-kaniyang silid-aralan ng bawat section, sa pamumuno ng mga gurong tagapayo at sa tulong ng Homeroon PTA.
𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗥𝗶𝗽𝗽𝗹𝗲: 𝗟𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗘𝗺𝗶𝗹𝗶𝗮𝗻
November 11, 2022
Pinatunayan ng mga mag-aaral na Emilian na nag-aalab ang pagkakaisa at pagtutulungan sa ating paaralan sa naganap na 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗥𝗶𝗽𝗽𝗹𝗲 𝗬𝗲𝗮𝗿 𝟯 ngayong araw sa GEANHS Conference Room.
Layon ng aktibidad na mamahagi ng food supplies at essential packages sa mga mag-aaral na naapektuhan ng bagyong Paeng noong nakaraang buwan.
Pinangunahan ng GEANHS Supreme Student Government (SSG), The Patriot, at iba pang mga organisasyon ang nasabing proyekto. Sa gabay ng mga tagapayo ng SSG na sina Mr. Jonaldie S. Fabaliña at Ms. Genevieve P. Subion, nakapagtipon ng tulong mula sa stakeholders ang SSG at student clubs.
Buo naman ang suporta ng administrasyon ng paaralan sa proyekto kung saan nakibahagi sina Mr. Arturo P. Rosaroso Jr., punongguro, at mga Head Teachers.
𝗚𝗘𝗔𝗡𝗛𝗦, 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝘀𝗮 𝟰𝘁𝗵 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿 𝗡𝗦𝗘𝗗
November 10, 2022
Sama-samang nakibahagi sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ang mga mag-aaral, guro, at kawani ng ating paaralan ngayong umaga, Nobyembre 10.
Pinatunog ang school alarm ng eksaktong 9:30 ng umaga, hudyat ng pagsisimula ng drills at functional exercise, bilang paghahanda sa sakunang maaaring idulot ng lindol. Isinagawa ng mga mag-aaral sa baitang 7 at 9 ang ‘Duck, Cover and Hold’ drill sa kani-kanilang mga silid-aralan bago nagtungo sa evacuation areas.
Pinangunahan ng mga miyembro ng Junior Medics ang pagsasagawa ng apat na search and rescue operation sa PPP1, PPP2, DB2 at New Building.
Ayon kay 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗹𝗼𝗻 𝗤. 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇, SDRRM Chief, hindi matatawaran ang halaga ng mga aktibidad na ito upang panatilihing ligtas ang bawat isa.
Ani Martinez, “Ito ay para sa kaligtasan nating lahat—para sa kahandaan natin laban sa anumang sakuna na maaaring dumating.”
Kaugnay nito, siniguro ng paaralan ang pagpapatupad ng minimum health protocols habang nagaganap ang programa.
𝗚𝗘𝗔𝗡𝗛𝗦, 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘄𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻
November 04, 2022
Kaisa ng paaralan ang komunidad sa pagtulong sa ating mga kawaning naapektuhan ng Bagyong Paeng.
Sa inisyatibo ng ating punongguro, G. Arturo P. Rosaroso, nabigyan ng grocery bags at bigas ang ating mga kawani ngayong umaga.
Ani Rosaroso, "Gusto nating iparamdam ang damayan sa ating paaralan. Tandaan ninyo na anuman ang sakuna, tayo ay may magtutulungan--tayo ay may damayan."
Kasama ni G. Rosaroso sa pamamahagi ng damayan packs ang mga ulong guro ng ating paaralan.