top of page

𝗖𝗼𝗻𝗻𝗲𝗰𝘁𝗲𝗱!

Sept. 30, 2022 

309454095_606199121294956_3571735025481709124_n.jpg

Upang paigtingin ang komunikasyon at paghahatid ng serbisyong pampaaralan, higit na pinalakas at pinabilis ng ating pamunuan ang internet connection ng ating paaralan. 
Kahapon ay nagdagdag tayo ng panibagong internet subscription upang mapaghandaan ang pagiging kunektado ng lahat ng mga guro at kawaning Emiliano.
Naging posible ito sa pamumuno ng ating punongguro, G. Arturo P. Rosaroso Jr., sa tulong ng ating mga guro na nanguna sa pag-aayos nga mga linya ng kuryente at internet.

𝗠𝗮𝗻𝘂𝗮𝗹 𝗼𝗳 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀, 𝗹𝘂𝗯𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗚𝗘𝗔𝗡𝗛𝗦

Sept. 22, 2022 

308188372_600825198499015_2803697374956498719_n_edited.jpg

Para paunlarin ang ating paghahatid ng serbisyo, pinaghahandaan na ng mga guro at kawani ng ating paaralan ang pagbuo ng GEANHS Operations Manual.
Mula Setyembre 22 hanggang 23 ay ginanap ang paglalahad at ebalwasyon ng procedures ng bawat opisina upang masigurong maayos ang pagsasagawa ng mga prosesong pampaaralan.

𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗚𝗘𝗔𝗡𝗛𝗦

Sept. 22, 2022 

308484559_600760651838803_4602175613455831832_n.jpg

Isinagawa ngayong Setyembre 22 ang pagbabakuna sa mga mag-aaral, magulang, at guro ng General Emilio Aguinaldo National High School. 
Inaasahang nasa 500 na indibidwal ang mabibigyan ng COVID-19 vaccination sa ating paaralan, sa tulong ng Imus City Health Office.
Patuloy nagsisikap ang ating paaralan at lungsod ng Imus upang maprotektahan ang mga kabataan at kawani laban sa panganib na dulot ng COVID-19.

𝗦𝗣𝗧𝗔 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝘀𝗮 𝗚𝗘𝗔𝗡𝗛𝗦

Sept. 15, 2022 

306977301_595770005671201_7423576075665343366_n_edited.jpg

Ginanap ang School Parent-Teacher Association (SPTA) election ngayong umaga, Setyembre 15, sa GEANHS Library.
Pinangunahan ng mga Curriculum Head at Curriculum Chairpersons ang programa kung saan inanunsyo ang mga miyembro ng SPTA sa Taong Panuruan 2022-2023. 
Pamumunuan ang SPTA nina Gng. Jeonard Abella, Chairperson, at Gng. Sierel M. Icamen, Vice-Chairperson. Kasama rin nila sina Gng. Djalma Menes, Secretary, at Gng. Leonid R. Cagara, bilang Treasurer.
Bilang pagtatapos ng aktibidad ay nagpulong ang bagong pamunuan ng SPTA kasama si G. Arturo P. Rosaroso, Jr., punong guro ng GEANHS. Pinahayag ng mga opisyal ng SPTA ang kanilang hangarin na maging bahagi ng patuloy na pagpapa-unlad ng paaralan.

𝗘𝗺𝗶𝗹𝗶𝗮𝗻, 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗮 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮!

Sept. 08, 2022 I isinulat ni : Cristina Soler

305979776_590868529494682_76478360138095

Sa pangunguna ng GEANHS School Disaster Risk Reduction Management Council (SDRRMC), isinagawa ngayong araw ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED). 
Ang Earthquake Drill ay masusing pinaghandaan ni SDRRMC Chair, G. Marlon Q. Martinez, kaagapay ang mga mag-aaral na miyembro ng GEANHS Medical Team at ng buong paaralan.


Sa hudyat ng sirena ay agarang tumugon ang mga guro at mag-aaral na nasa loob ng silid-aralan ng DROP, COVER, and HOLD, senyales na may nagaganap na pagyanig o lindol. Upang matiyak kung mayroong biktima ng sakuna mabilis na kumilos ang Junior Medic Team ng paaralan upang mabigyan ng agarang lunas ang pasyente. 


Isinagawa ang naturang Earthquake Drill upang matiyak ang kahandaan ng mga mag-aaral, guro lalo na ng paaralan sakaling may mangyaring lindol.


Naganap ang drill ngayong Huwebes, Septyembre 8 habang may klase ang mga guro at estudyante ng Grade 7 at Grade 9.

𝗦𝗧𝗘 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, 𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗚𝗘𝗔𝗡𝗛𝗦

Sept. 07, 2022

305796744_590175486230653_86848361883250

Binisita ni Gng. Rochelle S. Balete, EPS - Science ng DepEd Imus City ang ating Science, Technology and Engineering (STE) Program ngayong araw, Setyembre 7.


Nagbigay ng technical assistance si Gng. Balete ukol sa implementasyon ng kurikulum ng STE. Nagbahaginan ng ideya sina Gng. Balete, Gng. Lenie Villaluna, STE Program Coordinator, at G. Ludovico Resuello Jr., OIC-Department Head ng Science, na naglalayong mapa-unlad ang programa. 


Matatandaang si Gng. Balete ang proponent ng STE Program ng ating paaralan na itinatag noong 2018.

𝗚𝗘𝗔𝗡𝗛𝗦 𝗽𝗿𝗲𝗽𝗮𝗿𝗲𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝟯𝗿𝗱 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿 𝗡𝗦𝗘𝗗 

Sept. 07, 2022

305927655_590167952898073_22555169997480

GEANHS' School Disaster Risk Reduction Management Council spearheaded the orientation for the conduct of National Earthquake Drill (NSED) in preparation for the national event this September.
SDRRM Chief, Mr. Marlon Q. Martinez, discussed the importance of the said event and reminded the participants about the DROP, COVER and HOLD drill.
Attended by Grade 7 and Grade 9 Classroom Presidents earlier today at the GEANHS Online Hub, Mr. Martinez said that the upcoming drill is a very important way of surviving the unexpected phenomenon.
"To react quickly, you must practice often. You only have seconds to protect yourself in an earthquake," he added. 
The program aims to prepare and raise awareness of the students on what to do before, during, and after an earthquake. Practicing helps the students to be ready to respond.
The NSED will be conducted tomorrow, September 8.

𝗚𝗘𝗔𝗡𝗛𝗦, 𝗯𝘂𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗦𝗽𝗘𝗱 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺

Sept. 05, 2022

305481481_588813116366890_7492961172271545907_n.jpg

Sinimulan ngayong araw, Setyembre 5, ang Learning Action Cell (LAC) ng mga guro sa Special Education (SpEd) Program. Layunin ng LAC na mapaunlad ang proseso ng pagtuturo at mga learning resources ng SpEd.


Sa kanyang pambungad na mensahe, nagpahayag ng suporta sa programa si G. Arturo P. Rosaroso Jr., punong guro. Pinasalamatan din niya ang mga guro sa kanilang hindi matawarang dedikasyon sa pagtuturo ng mga Learners with Special Needs (LSENs).


Sa unang araw ng LAC, pinangunahan ni G. Raul S. Falogme, SpEd Coordinator, ang talakayan ukol sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng unang markahan.
Magpapatuloy ang LAC ng SpEd hanggang sa Miyerkules, Setyembre 7. 

𝗠𝗴𝗮 𝗮𝘁𝗹𝗲𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗚𝗘𝗔𝗡𝗛𝗦, 𝘀𝘂𝗺𝗮𝗶𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝘀𝗮 𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗮𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁 

Sept. 05, 2022

287256855_588786339702901_4150108983190338739_n.jpg

Inilunsad ng ating paaralan ang Sports Assessment para sa mga mag-aaral ng Special Program in Sports (SPS) ngayong Setyembre 5 sa GEANHS Covered Court.
Layon ng aktibidad na masuri ang kasalukuyang kakayahan at kalagayan ng pangangatawan at kaisipan ng ating mga manlalaro sa baitang 7 hanggang 9.
Ayon kay Ms. Merriam Montes, SPS Coordinator, makakatulong ang sports assessment upang makondisyon ang mga atleta para sa pagsisimula ng training ngayong taong panuruan, bago sila isabak sa mga kumpetisyon sa labas ng paaralan.
Matapos makuha ang vital signs ng mga mag-aaral, isinagawa ang warm-up, cardio drills, at circuit training drills sa pangunguna nina Mr. Arnel Candelaria, Ms. Frances Pauline Mateo at Ms. Mylene Amparo. Nagkaroon din ng mental conditioning ang mga manlalaro na ginabayan nina Ms. Montes at Ms. Ariane Malang.
Magpapatuloy ang sports assessment ng SPS hanggang bukas upang masigurong handa ang ating mga batang manlalaro para sa maigting na mga pagsasanay.

𝗦𝗲𝗴𝘂𝗿𝗶𝗱𝗮𝗱, 𝗛𝗶𝗴𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗶𝗴𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗚𝗘𝗔𝗡𝗛𝗦

Sept. 05, 2022

305456101_588745099707025_67741859574106

Lubos na pinahahalagahan ng ating paaralan ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at kawani. 
Kaugnay nito, nagkaroon ng pagpupulong ang ating punong guro, G. Arturo P. Rosaroso Jr., kasama ang School Security Group at mga kawaning nagmamay-ari ng sasakyan tulad ng kotse, motorsiklo, at e-bike para pag-usapan ang bagong polisiyang "No Car Pass, No Entry."
Ayon kay G. Rosaroso, ito ay isang hakbang upang paigtingin ang seguridad sa GEANHS. Sa pamamagitan ng pagpaparehistro ng mga sasakyan at pag-isyu ng car pass, masisiguro na tanging mga lehitimong kawani lamang ang makakapasok sa paaralan.
Ipinaliwanag rin ni G. Pampilo B. Cerbito Jr., Master Teacher II/ OIC - Department Head ng MAPEH, ang wastong paggamit ng parking spaces para sa higit na kaayusan.

𝗦𝗦𝗚, 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗚𝗘𝗔𝗡𝗛𝗦

Sept. 03, 2022

304780851_586688129912722_79544764334831

Lubos na pinahahalagahan ng ating paaralan ang pagpapa-unlad ng kakayanan ng mga mag-aaral sa pamumuno.
Kaakibat nito, nagkaroon ng pagpupulong ang lahat ng mga pangulo ng bawat klase sa Baitang 7 hanggang 10 kahapon, Setyembre 2, sa DCP Laboratory, bilang paghahanda sa pagbuo ng bagong Supreme Student Government (SSG).
Pinangunahan nina Gng. Ernalyn L. Miranda, Department Head ng Araling Panlipunan, G. Jonaldie F. Fabaliña, SSG Adviser, at Gng. Genievieve P. Subion, SSG Co-Adviser, ang orientation ukol sa nalalapit na SSG Election.
Ipinaliwanag ni G. Fabaliña ang mahalagang papel ng mga lider na mag-aaral sa pagpapalaganap ng kaayusan at disiplina sa ating paaralan.

𝗦𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗯𝗮

Sept. 02, 2022

304866266_586661773248691_51333117201245

Ngayong araw, Setyembre 2, ay nagkaroon ng isang joint consultation meeting ang Campus Multi-Purpose Cooperative Board of Directors ng Imus National High School at Gen. Emilio Aguinaldo National High School sa ating Conference Room.


Sa pangunguna ng City of Imus Cooperative, Livelihood and Entrepreneurial Development Office (CICLEDO), na pinamumunuan ni Dr. Emmanuel Santiaguel, at sa inisyatibo ni Mr. Arturo P. Rosaroso Jr., punong guro, higit na palalakasin at pagtitibayin ang kooperatiba sa ating paaralan.

𝗧𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴-𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆

Sept. 02, 2022

305021780_586611426587059_73541053912004

Bilang paghahanda sa Brigada Eskwela monitoring, nagpulong ang ilang mga guro ng Gen. Emilio Aguinaldo National High School kahapon, Setyembre 1, para magbahaginan ng ng mga impormasyon, ideya at rekomendasyon.


Binigyang diin ni Ms. Melanie Mae N. Moreno, School Paper Adviser at Committee Chair ng Brigada Eskwela Documentation, ang kahalagahan ng wastong dokumentasyon upang matagumpay na maikwento ang paglalakbay ng ating paaralan tungo sa pagbabalik eskwela matapos ang 2 taong implementasyon ng distance learning.
Nagpahayag naman ng suporta si G. Arturo P. Rosaroso Jr., Principal IV, sa mga plano at adhikain ng Brigada Eskwela Team na pinangungunahan ni G. Arnel Candelaria, Brigada Eskwela Coordinator.

bottom of page