top of page

2nd Quarter 𝗣𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁𝘀-𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲 sa GEANHS

February 18, 2023

332161222_886284632486245_7383434533609323749_n.jpg

Kasabay ng pagbabasbas at pagpapasinaya ng ating legacy project noong Sabado, Pebrero 18, ginanap rin ang 2nd Quarter 𝗣𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁𝘀-𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲 (PTC) at bigayan ng report cards ng ating mga mag-aaral sa apat na baitang.


Bahagi ito ng ating hakbang para higit na palaguin ang partisipasyon ng mga magulang sa pag-aaral ng mga batang Emilian. 

𝗘𝗺𝗶𝗹𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗺𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗹𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗹𝗶𝗴𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝘀𝗮

February 23, 2023  I   𝘐𝘴𝘪𝘯𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘪: 𝘔𝘳. 𝘑𝘦𝘳𝘪𝘤𝘰 𝘏𝘪𝘦𝘭 𝘈𝘴𝘵𝘪𝘭𝘭𝘦𝘳𝘰

332477397_1132048887459673_7652813249714572494_n.jpg

Kinilala bilang ikatlong pinanakamahusay sa patimpalak sa interpretatibong pagbasa ang mga batang Emiliano sa katatapos lang na Philippine Normal University's ArtLit Competition, ika-22 ng Pebrero taong kasalukuyan.


Kinilala sina 𝗝𝗲𝘄𝗲𝗹 𝗞𝗲𝗶𝗿𝗮 𝗔𝗻𝗴𝗲𝗹𝗮 𝗚𝗼𝗺𝗼𝗻 ng G7 STE; 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗡𝗶𝗰𝗼𝗹𝗲 𝗥𝗼𝗱𝗿𝗶𝗴𝘂𝗲𝘇 ng G8 Diamond; 𝗛𝗮𝗻𝗻𝗮𝗵 𝗝𝗮𝗻𝗲𝗮 𝗞𝘂𝗱𝗼 ng G9 Genesis; at 𝗘𝗹𝗶𝘇𝗮 𝗠𝗲𝗶 𝗢𝗻𝗴𝘀𝗶𝗼𝗰𝗼 ng G10 Aristotle, bilang pangkat na may ikatlong karangalan sa 18 na mga kalahok mula NCR at CALABARZON.


Ang ArtLit 2023 ay ang kauna-unahang kompetisyon ng PNU patungkol sa panitikan at sining na bukas sa mga paaralang mula elementarya at sekondarya sa kalakhang Metro Manila at mga karatig probinsya.


Pinatnubayan nina 𝗜𝗿𝗶𝘀𝗵 𝗩. 𝗕𝗮𝗾𝘂𝗶𝗿𝗮𝗻 at 𝗔𝗻𝗻𝗮 𝗟𝗲𝗮𝗵 𝗠. 𝗖𝗿𝘂𝘇 ang mga batang nagwagi sa nasabing paligsahan.

Komunidad ng Proud GEANHS, sama-sama sa pagbabasbas at pagpapasinaya ng 'Entablado ng Karunungan'

February 18, 2023

332075926_1818013311900445_6843269520912806671_n.jpg

Pinangunahan nina 𝗛𝗼𝗻. 𝗝𝗼𝗴𝗶𝗲 𝗟𝘆𝗻 𝗟𝗮𝗼𝘀𝗮𝗻𝘁𝗼𝘀 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗸𝘀𝗶 at 𝗠𝗿. 𝗔𝗿𝘁𝘂𝗿𝗼 𝗣. 𝗥𝗼𝘀𝗮𝗿𝗼𝘀𝗼 𝗝𝗿. ang pagpapasinaya ng Entablado ng Karunungan para sa mga Batang Emilian with VIP Conference and Learning Resource Hub ngayong araw, Pebrero 18.


Sa ginanap na programa, nagpa-abot ng mensahe ng pasasalamat ang mga Grade Level Representatives ng 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗣𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁𝘀-𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 at si 𝗠𝘀. 𝗚𝗿𝗮𝗰𝗶𝘁𝗮 𝗔. 𝗕𝘂𝗿𝗴𝗼𝘀, TEC President, para sa mga magulang at stakeholders na tumulong para sa katuparan ng legacy projects ng paaralan. 

bottom of page