top of page

𝗚𝗘𝗔𝗡𝗛𝗦 𝗦𝗲𝗮𝗹𝘀 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗻𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗦𝘁𝗮𝗸𝗲𝗵𝗼𝗹𝗱𝗲𝗿𝘀 𝘁𝗼 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗻𝘀𝗶𝗳𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗦𝗮𝗳𝗲𝘁𝘆 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗣𝗿𝗲𝗽𝗮𝗿𝗲𝗱𝗻𝗲𝘀𝘀

April 13, 2023

GEANHS formalized its partnership with CDRRMO, CITMO, and the Philipine Army ResCom through the ceremonial signing of the Memorandum of Agreement (MOA) held this morning at the VIP Conference Room.


The objective of the partnership is to strengthen the school's disaster risk reduction and management (SDRRM) projects and activities through collaboration, cooperation and interaction between the school and its partners.


The MOA signing was graced by Ms. Maricel R. Cayetano of the Imus City Disaster Risk Reduction Management Office, Mr. Ariel Santera of the Traffic Management Office, and Lt. Emmanuel Ernel Sapinoso PA (RES) of Alpha Company 402nd RRIBN, 402nd Community Defense Center, 4th RCDG RESCOM PA.
GEANHS Principal, Mr. Arturo P. Rosaroso Jr., expressed his gratitude and enthusiasm on this collaboration towards equitable access to safety and well-being.


"Ang ating pagtutulungan ay para sa lahat ng mga batang Emilian, saan man sila nagmula. Kapag sila ay nasa paaralan, lahat ay ligtas laban sa anumang sakuna o kalamidad."
GEANHS continues to develop projects and activities to strengthen readiness and resilience of the school community. 

Project EARTH Kabataan Eco-Caravan Year 2

April 18, 2023

Isinagawa ngayong araw ang turn over ng mga nakolektang PET bottles ng mga batang Emilian, bilang bahagi ng Project EARTH Kabataan Eco-Caravan Year 2.


Sa proyektong ito ng Sangguniang Kabataan Federation of Imus, kasama ang ating Supreme Student Government (SSG) at Yes-O, nakatanggap ng insulated flask/tumblers, journals, at tote bags ang mga mag-aaral na nag-ipon ng plastic bottles.


Maaari pang sumali sa Caravan na ito kaya mag-ipon na ng mga PET bottles na 200 ml hanggang 2 liters para maiuwi ang alinman sa mga rewards na nabanggit.

𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗠𝗜𝗟𝗜𝗔𝗡, 𝗟𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡!

April 28, 2023

Upang siguruhin ang kaligtasan ng mga mag-aaral habang nasa loob ng paaralan, isinagawa ang hazard and risk assessment ngayong hapon.


Pinangunahan ni G. Arturo P. Rosaroso Jr., punongguro, ang pag-iikot sa mga canteen, opisina, faculty rooms, at iba pang pasilidad upang suriin ang mga bagay na posibleng pagmulan ng panganib sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral.


Kabilang ang mga ulong guro sa pagpapaalala sa mga kawani ng paaralan na maging alisto sa hazards at laging handa sa pangamba ng mga sakuna.

𝗛𝗮𝘁𝗮𝘄 𝗻𝗮 𝗦𝗮𝘆𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗹𝘂𝘀𝗼𝗴 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗻

April 28, 2023

Pinatunayan ng ating mga guro na sa kabila ng mainit na panahon, makatutulong parin ang ehersisyo para sa ating katawan, sa ginanap na Zumba Marathon kahapon.


Nanguna sa aktibidad ang mga guro ng MAPEH na nagpamalas ng kaliksihan at kasiglahan, kaya naman maging ang mga mag-aaral ay naki-sabay rin na nag-zumba sa ating Learning Boulevard.


Sa pamamagitan ng programang ito, napapanatili nating malakas at malusog ang mga bata at gurong Emilian. Maaraw man, i-kondisyon parin ang ating mga pangangatawan!

𝗚𝗘𝗔𝗡𝗛𝗦 𝗮𝘁 𝗗𝗜𝗟𝗚, 𝗦𝗮𝗻𝗶𝗯-𝗣𝘄𝗲𝗿𝘀𝗮 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗗𝗿𝗼𝗴𝗮

April 12, 2023

Bilang bahagi ng layunin ng paaralan na pa-unlarin ang kaligtasan at kalusugan ng mga kabataan, isinagawa ng GEANHS at DILG ang BIDA Kontra Droga Poster Making Contest sa Conference Hub ngayong araw.


Higit sa 40 na mga mag-aaral ang sama-samang gumihit ng kanilang interpretasyon sa temang "Pagkakaisa para sa Hamon ng Pagbabago, Droga Puksain para sa Bayan na Panalo."


Pinangunahan nina PLT Angelito O. Castro, PSSg Andre V Abesamis, Pat Ju-an S. Ones, PLTCOL Michael D. Batoctoy, at Mr. Francis P. Gutierrez ang pagtataya ng mga poster kung saan nagwagi ang mga sumusunod:


Champion: Celso, Rhian Shane R. (8- Pearl)
1st Runner Up:  Morante, Thea Kristel C. (9-Martin Luther King)
2nd Runner Up: Anacio, Dhannie Anne D. (7- STE Galileo)

bottom of page